Abante Tonite Interactive

Kerr aasahan si Durant sa Game 5

396

Wala pa rin si Kevin Durant sa 105-92 loss ng Golden State sa Toronto Raptors sa Game 4 ng NBA Finals Biyernes ng gabi sa Oakland.

Siyam na laro nang wala si Durant sapul nang abutin ng calf injury noong May 8 sa Game 5 ng Western Conference semifinals kontra Houston Rockets.
Ngayon ay baon na ang Warriors 3-1, nanganganib matapos ang dalawang taong paghahari.

Hindi sigurado kung makakalaro si Durant sa Game 5 sa Toronto sa Martes (araw sa Manila).

Si coach Steve Kerr, mukhang napagod nang magbigay ng update sa lagay ng reigning two-time NBA Finals MVP.

“We’re hoping he can play Game 5 or 6. And everything in between I’ve decided I’m not sha-ring because it’s just gone haywire,” buwelta ni Kerr.

Si Klay Thompson na hindi naglaro noong Game 3 dahil sa strained left hamstring ay bumalik sa Game 4 para umiskor ng 28. Naglaro din kahapon at umayuda ng 10 points si backup big man Kevon Looney na inabot ng fractured collarbone sa Game 2.

Walang kasiguruhan kung kailan makakabalik si Durant mula calf injury.
“There’s so much going on, and so it doesn’t make sense to continue to talk about it. He’s either going to play or he’s not. So tonight he’s not pla-ying,” giit ni Kerr bago ang Game 4. (VE)