Abante Tonite Interactive

Kerr ayaw pakawalan ng GS, multi-year extension ikinasa

By
2,308

Kapit-tuko ang Golden State Warriors kay coach Steve Kerr na muling pipirma ng multi-year extension at magiging isa sa highest paid coach sa NBA.

Patapos na nga­yong taon ang five year, $25 million contract ni Kerr na mahalagang instrumento sa binuong dinastiya ng Golden State.

Buhat nang pamunuan ng 52-anyos ang Warriors noong 2014, nakasikwat na sila ng tatlong champion­ship sa loob lamang ng limang taon.

Giniya rin ni Kerr ang Warriors sa 265-63 panalo-talong rekord sa regular season at 63-20 sa playoffs, pinakara­ming panalo sa lahat ng NBA coaches ngayon. (Ray Mark Patriar­ca)