Abante Tonite Interactive

Kerr multado ng $25K sa paninigaw ng reperi

By
181

Pinagmulta ng NBA si Golden State coach Steve Kerr dahil sa paninigaw sa referee.

Bago natapos ang 127-107 loss ng Warriors sa Portland Miyerkoles ng gabi, nagwala si Kerr dahil sa isang tawag.

Naiiwan ang Golden State 110-103, pinituhan ng flagrant foul si Draymond Green sa pagdamba kay Zach Collins ng Trail Blazers.

Sinugod at sinigawan ni Kerr si refe­ree Ken Mauer, binalibag pa ang hawak na clipboard.

Binigyan ng dalawang technicals ang coach at awtomatikong na-eject kulang 4 minutes pa sa laro.

Ipinasok ni Damian Lillard ang tatlong technical shots, ibinaon din ni Collins ang dalawang free throws tungo sa 115-103 Blazers lead.

Binagsakan ng $25,000 fine si Kerr, ayon kay NBA executive vice president of basketball operations Kiki VanDe­Weghe nitong Huwebes.