Abante Tonite Interactive

Kerr tinulad ang sarili sa aso na bantay ng pusa

571

Naging tampulan ng biro ni coach Steve Kerr ang kanyang NBA career.

Sa Twitter, nag-post ang Golden State tactician ng video ng aso na humahabol at bumabantay sa pusa.

“This was me playing defense in the NBA,” ani Kerr.

Siya aniya ang aso na hindi maguwardiyahan ang pusa, laging nalalansi ng binabantayan.

Magandang pangiliti ang video sa mga taong nababagot dahil sa lockdown bunga ng coronavirus.

Sa mga nakaraang interviews, nabanggit ni Kerr na kung ngayong panahon siya papasok sa NBA ay baka hindi siya makuha. Noong 1988 ay 50th pick siya ng Phoenix Suns sa Draft.

Pero may ipagmamalaki din si Kerr, 54, walo ang championship rings niya – lima bilang player. Apat na beses siyang kampeon sa Chicago Bulls, isa sa San Antonio Spurs, at tatlo bilang head coach ng Warriors.

Siya lang din ang nag-iisang miyembro ng 70-win teams ng liga – sa 72-win Bulls noong ’95-96 na binura ng 73 ng Warriors noong 2015-16.

Bilang player, nakasama ni Kerr ang mga alamat na sina coach Phil Jackson, Michael Jordan at Scottie Pippen sa Bulls, at sina coach Gregg Popovich at Tim Duncan sa Spurs.

Bilang coach, minanduhan niya sina Stephen Curry, Kevin Durant, Klay Thompson, Draymond Green.

Pinakamaangas sa NBA history ang 45.4 percent shooting ni Kerr sa 3-point range. Milyong beses na sigurong nai-play sa YouTube ang game-winning shot niya noong 1996 NBA Finals na nagbigay sa Bulls ng fifth title.

Maririnig sa video na sinasabi ni Kerr, “I’ll be ready” habang kausap si Jordan. Dahil Jordan si Jordan, ido-double siya kaya hahanapin niya si Kerr para tumira ng last shot. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad