Abante Tonite Interactive

Kerr, Warriors iwas sa ‘tanking’ issue

322

Wala na sigurong mas sasaya pa kung ikaw ay isa sa mga hater ng Golden State Warriors sa kanilang kinalalagyan ngayon.

Aminado ang inyong lingkod, na isang LeBron James fan, na dinurog ng Warriors ang puso ko lalo na noon taong 2015 nang lampasuhin sa NBA Finals ang Cleveland Cavaliers.

Kulelat ngayon ang Warriors. Lubog na lubog sa 15th spot ng Western Conference hawak ang 4-19 win-loss record.

Aminado ang kanilang coach na si Steve Kerr na ‘di nila kayang manalo sa ngayon.

‘Di man sabihin na ginagawa ang ‘tanking’, ganoon ang nangyayari dahil sa sunod-sunod na pagkatalo.

Ayon kay Kerr, ang kanilang goal pa rin ay manalo gabi-gabi ngunit ‘di lang talaga sapat ang kanyang roster.

Sa pagkakaupo nina Stephen Curry at Klay Thompson, talagang pilay ang kanilang lineup.

Para kay rookie Eric Paschall, ‘di nila habol ang ‘tanking’ para makakuha ng top pick sa susunod na season at sa bawat laro ay sinusubukan talaga nilang manalo.

Sa kanilang kasalukuyang roster, dito nananaig ang ilang ‘analyst’ kuno sa social media, na nagsasabing puro kayabangan lang mayroon si Draymond Green.

Ngayo’y sa kanyang mga balikat nakapasan ang Warriors, ngunit ‘di naman niya maipanalo.

Dito mo masasabi na si Curry ang sistema ng Warriors.
***
Kung kayo po ay may reaksiyon o nais itanong, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@gmail.com.

Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes ng alas-sais nang gabi sa Abante News Online.
Maraming salamat po!