Abante Tonite Interactive

Kerwin Espinosa malapit nang iuwi

49

Isang linggo na lamang ang hihintayin­ para sa pagbabalik sa bansa­ ng pinakahihintay na ­tinaguriang drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa na naaresto sa Abu Dhabi.

Ito ang tiniyak ni ­Philippine National ­Police (PNP) chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa kung saan sinabi nito na nais nitong ikulong si Espinosa sa PNP Custodial Center sa Camp Crame sakaling makabalik na sa bansa.

Siniguro ni Dela Rosa ang seguridad ni ­Kerwin sa loob ng custodial ­center ng PNP.

“Kung papayag sila, sa Crame natin ikulong dahil high-value target ito kaya kailangang i-secure,” ­pahayag ni Dela Rosa.

“Baka mamaya kung sa ordinaryong kulungan ito ikulong, ipapasaksak lang ito ng mga drug lord, drug lord/protector na kinakanta niya. Baka mamaya ipapatay siya sa loob,” dagdag pa ni Dela Rosa.

Gayunman, hindi na binanggit ni Dela Rosa kung sino ang posibleng magpapatay kay Kerwin.

Matatandaang si Kerwin ay inaresto sa Abu Dhabi noong Oktubre 17 matapos isuplong ng isang OFW na nakatira sa katabi ng inu­upahan nitong apartment.

Naantala ang pagba­balik ni Kerwin sa bans­a dahil may kinakaharap itong kaso sa Abu Dhabi kaya nasa kustodiya ito ng Interpol.

“Hopefully within­ next week or pinakamahaba na another week, mayroon na tayong deve­lopment, baka mai-ship na natin siya pabalik dito,” pahayag pa ni Dela Rosa.

“Pagpatong niya sa lupa natin i-turnover natin siya sa korte na nag-­issue ng warrant then hintayin natin kung saan ipapakulong, kung sa Crame o kung saan,” ayon pa kay Dela Rosa.