Abante Tonite Interactive

Kevin Love sasama kina Dame, Melo

547

Naiwan na nga ang isa sa Big 3 ng 2016 NBA champions­ Cleveland Cavaliers­ na si Kevin Love.

Sa kanilang magandang takbo noon, unang umalis ay si Kyrie Irving dahil umano sa gusto nito na mag-lead ng isang koponan at ayaw maging ‘Robin’ kay ‘Batman’ na si LeBron James.

Sunod na lumisan ay si Batman ng Cavs at tumungo sa Los Angeles Lakers.
Patuloy nga ang pagre-rebuild ng Cavs na ang babata ng roster, na kung titingnan ay si Love na ang pinakamatanda sa edad na 31-anyos.

Si Love na isa pa ring All-Star caliber player ay may tatlong taong kontrata pa sa Cavs na higit $90M ang halaga.

Sa 20 games na nilaro niya ngayong season, siya’y nag-a-average ng 15.7 ppg at 10.5 rbg.

Ayon sa isang source, ang gustong destinasyon ni Love ay Portland Trail Blazers. Ang Portland ay nasa Oregon at ang Lake Oswego kung saan nag-high school si Love.

Kung sa Trail Blazers ang bagsak ni Love, makabubuo na sila ng solid 5.
Sa mabagal na simula ng Trail Blazers, unti-unti itong umaahon sa kasalukuyang hawak na 10-16 win-loss record.

Ang dalawa nilang guwardiya ay ang tandem nina Damian Lillard at C.J. McCollum habang nasa tres si Carmelo Anthony na kamakailan lang nalipat.
Ang kanilang sentro ay si Hassan Whiteside, na aasahan mo bilang rim protector.

Pasok na pasok ang 4 position ng Trail Blazers kay Love, na kung susuriin maigi ay parang ang kanilang first five na All-Star caliber lahat.

Bilang naging teammate ng aking idol na si LeBron James, gusto ko itong mapunta sa Trail Blazers.

Marami pa ang puwedeng mangyari dahil hanggang February pa ang trade deadline.

Good luck Love!
***
Kung kayo po ay may reaksiyon o gustong itanong, mag-email lamang sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!