Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kevin, Selina ikinasal muli

0 102

Sa pangalawang pagkakataon, nagpakasal muli ang NLEX Road Warriors guard na si Kevin Alas sa misis nitong si Selina Dagdag.

Unang ikinasal ang dalawa sa isang civil ceremony noong Setyembre 2020, pamilya lang nila ang dumalo sa kanilang kasal noon pero ngayon ay ginawa na nila ang kanilang unang plano na church wedding.

Biyernes nang ikinasal muli sina Mr. at Mrs. Alas kung saan mas marami na ang nakadalo kasama na ang mga teammates ni Kevin sa NLEX.

Ibinida ni ‘Ageless’ Asi Taulava ang kanilang larawan kasama ang newly weds, maging ang coaching staff ng team sa pangunguna ni Yeng Guiao ay dumalo rin sa kasal. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.