Abante Tonite Interactive

Kevin Spacey kinasuhan sa panghihipo ng lalaki

By
188

Present ang Oscar-winning US actor na si Kevin Spacey sa Nantucket court noong Lunes para sa pagdinig ng kanyang sexual assault case. Nag-apply ito ng not guilty plea pero hindi siya pinayagan ng korte na pumasok sa anumang plea.

Inutusan siya ng korte na huwag magkaroon ng anumang ugnayan sa kanyang biktima at maging ang pamilya nito. Ayon sa abogado ng aktor na may mga kopya sila ng mga text message mula sa biktima at kasintahan nito noong nangyari ang insidente.

Ang 59-year-old actor sakaling mahatulan ay makukulong hanggang limang taon dahil sa umano’y pangha-harass sexually at panghihipo raw sa maselang parte ng katawan ng isang 18 year old na lalaki. Siya’y nagnga­ngalang William Little sa Nantucket bar sa Massachussets. Pero naniniwala ang kasintahan ng dalaga na hindi siya ginalaw ng actor. Naganap ang insidente noong Hulyo 7, 2016.

Abante Hiring – IT dep

May follow-up hearing na naka-schedule sa March 4, pero hindi kailangang daluhan ni Spacey. Ang sinasabing biktima ni Spacey ay nagtatrabaho sa restaurant bilang bus boy. Nagpanggap siya na 23 taong gulang na kaya nu’ng alukin siya ng beer ay tinanggap niya at nagsimula na silang mag-inuman. Actually, gusto lang naman sanang makapagpakuha ng larawan ng alleged victim kay Spacey na matagal na niyang paborito at iniidolong artista. ()