Kevyn espesyal putahe sa mga boylet

NI: NONIE NICASIO
Katakam-takam ang pormang masisilip kay Kevyn Alessandrea Mateo sa kanyang Instagram account.
Suot ang sexy swimsuit, lalong lumutang ang lakas ng dating dito ni Kevyn. Sagana sa sex appeal ang dalaga. Siya ang tipo ng babaeng kapag nabistahan ang alindog ng mga kalahi ni Adan ay posibleng magresulta na mag-water-water sila sa kanyang kariktan.
Animo’y isa siyang ng espesyal na putahe ng mga boylet na masarap lantakan. Tunay na yummy ang awra ng dalaga.

Si Kevyn ang kinatawan ng Bataan sa Miss World Philippines 2022 beauty pageant. Siya ay 25 years old, nagtatrabaho sa advertising agency at minsan ay sumasabak din sa production design bilang sideline.
Walang dudang bibilis ang tibok ng puso ng sino mang boys na makakakita sa kanyang hotness.
Ang kalahi ni Eva na tulad ni Kevyn ang dream girl ng maraming kalalakihan.