Abante Tonite Interactive

Khalil nangapa kay Gabbi

0 372

Inamin sa amin ni Gabbi Garcia na heartbroken siya dahil sa nangyari sa launching teleserye niya sana sa GMA na “Rosang Agimat.”

Na-shelve ito matapos ang naganap na aksidente kay Mr. Eddie Garcia sa taping nito sa Tondo nu’ng June 8, na 12 days after the accident ay pumanaw ang beteranong aktor sa edad na 90.

 

Abante Hiring – IT dep

“Of course, I’m heartbroken pero I can never compare doon sa talagang accident na nangyari.

 

“So, who am I to be selfish, ‘di ba? Of course, everybody lost a job, ‘di ba? Ayokong maging selfish at angkinin ‘yung pain lahat-lahat.

 

“Kasi, lahat naman nasaktan sa nangyari. Walang may gusto. So, I think it’s just really not the time yet, I guess.

 

“And lahat ng bagay may rason, so I’m just here. I trust naman the network with whatever they’ll give to me,” bulalas ng 20-anyos na Kapuso actress.
So, may kapalit ang show niya na nawala?

 

“Definitely. May kapalit naman pero as of now, wala pa akong information.”
Natsika namin si Gabbi sa media launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na kasama ang pelikula nila ng boyfie niyang si Khalil Ramos na “LSS (Last Song Syndrome).”

 

First time magbida sa isang movie ni Gabbi at kapareha niya pa si Khalil, so weird at medyo nakaka-ilang daw at first. Hindi niya alam kung tama ba ang desisyon niya, pero na-enjoy niya rin ‘yung process eventually.

 

Aniya, kaya nga naging sila ni Khalil ay dahil magkaiba sila ng network at magkahiwalay sila ng buhay, tapos magsasama sila sa trabaho?

 

Ang sabi naman sa amin ng Kapamilya actor na si Khalil, hindi nila naisip ni Gabbi na magwu-work sila together. Eh dumating ang “LSS” at sobrang fan sila pareho ng Ben&Ben na kasama nila sa movie, so hindi sila nagdalawang-isip.


Nakita rin daw nila ‘yung promise nu’ng project at potential nu’ng story, so tinanggap nila ito.


Nu’ng first shooting day ay nangangapa pa raw si Khalil dahil hindi niya alam kung paano titimplahin ‘yung chemistry nila onscreen dahil iba raw sila ni Gabbi in real life sa characters nila sa movie.


May pressure daw lalo na sa una nilang eksena na ang haba ng usapan nila at kunwari ay hindi sila magkakilala, so medyo awkward.


Pero sa simula lang daw medyo may ilangan, pagtagal-tagal ay sobrang naging okey na sila, sabi ni Gabbi.


Ang hirit sa amin ni Gabbi, mas okey na magkaiba ang network nila ng karelasyon niya dahil meron daw silang separate jobs at walang pakialaman sa trabaho. Wala rin daw selosan.


Inusisa namin ang GabLil kung gaano katagal na sila at kinantiyawan namin si Gabbi dahil binulungan niya si Khalil at parang kinu-coach niya ito kung anong isasagot sa amin.


“All in all, including the time na nanliligaw ako, nagdi-date kami, more or less two years,” sagot ni Khalil.


Sa two years na ‘yon, more than a year daw doon ‘yung officially silang dalawa na.


Parang may sinasabi pa si Khalil, pero hiniritan ito ni Gabbi ng, “Huwag mo nang anuhin, um-oo ka na lang. Ako na nga ang sumasagot, eh!”
Ha! Ha! Ha! Meganern?!


September 13-19 ang PPP 2019 in all cinemas nationwide.



Aiko mananampal ng mga baguhan

 

Si Aiko Melendez ang makakaharap ng “StarStruck” hopefuls this weekend para sa kanilang artista test.


Heavy drama ang challenge ng mga bagets this week na tinaguriang “Sampalan Test” at lahat sila ay makakatikim ng pinakamalakas na sampal mula sa premyadong aktres na si Aiko.


Back-to-back ang elimination this Saturday and Sunday, na isang male at isang female hopeful ang mababawas sa Final 14.


Ang dalawa na makakakuha ng lowest combined total scores mula sa viewers’ votes at mula sa “StarStruck” council ang matatanggal.


Bukod sa kanilang artista test ay may inihanda ring tatlong performances ang Final 14 na may kasama silang special guests.