Abante Tonite Interactive

Khalil never igo-ghosting si Gabbi

338

Sinigurado ni Khalil Ramos na hinding-hindi magkakaroon ng third party on his part sa pagitan nila ng girlfriend na si Gabbi Garcia. Ayon sa Kapamilya actor/singer, napakahalaga raw sa kanya ng salitang “loyalty”.

“Luckily, ang upbringing ko was strong enough to never even consider the slightest thought of third party,” pahayag ni Khalil sa presscon ng horror film niyang “The Ghosting”.

“I’m very confident in my lo­yalty to my partner. Even to my friends, eh, and to working relationship. Loyalty is something that I value very much and same din kay Gab.”

In the past ay naka-experience raw siya na nagkaroon ng third party sa side ng kanyang non-showbiz ex-girlfriend.

“Kung na-experience ko siya before, na sa end that I was cheated on, I don’t wanna do that to ano­ther person,” sey niya.

Isa pang sinigurado ni Khalil, never din daw niyang gagawin ang “ghosting” kay Gabbi at feeling daw niya ay hindi siya makakatulog kapag ginawa niya ito.

“Buong pamilya niya siguro ang magagalit sa akin kaya hindi ko gagawin ‘yun. And I guess, there wouldn’t be an opportunity to do that din, kasi like, if ever i-attempt ko, wala, kakausapin ko talaga siya.

“Kasi ganu’n kami sa relationship. If may problems kami, like even the slightest problem, we communicate talaga, eh. Kung baga, nababalanse talaga namin ‘yung emotions and being objective para healthy ang relationship,” saad ni Khalil.

Two years na rin ang relationship nina Khalil at Gabbi and very happy raw sila.

Samantala, showing na ang “The Ghosting” nga­yong Aug. 28 at kasama rito ni Khalil si Andrea Brillantes under Reality Entertainment. (Vinia Vivar)