Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Khalil susundan si Gabbi sa GMA

0 474

NI: ARCHIE LIAO

Happy ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia dahil umabot na sa one million subscribers ang kanyang Youtube channel.

Hirit naman ni Gabbi, hindi niya solo ang kredito dahil ang kanyang boyfriend na si Khalil Ramos ang dapat niyang pasalamatan dahil ito ang nagsisilbing videographer niya, creative director, lighting director, o in short, one man production team.

Dahil dito, hindi naman magkamayaw ang mga netizen sa pangangantiyaw kay Khalil.

Lumalabas daw na dakilang dyulalay ni Gabbi ang actor.

Hirit naman ng ilang netizen, inaalila raw ni Gabbi ang boyfriend.

Pagtatanggol naman ng kanilang supporters, keri lang daw na gawin ni Khalil ito sa dyowa dahil pagpapatunay lang ito na mahal na mahal niya ang Kapuso actress.

Sina Gabbi at Khalil ay may common interest sa music na siyang naglapit sa kanila bilang artists.

Speaking of Khalil, may unconfirmed reports na posibleng mag-ober da bakod daw ito sa GMA-7 para sundan ang kanyang girlfriend na si Gabbi lalo na’t sarado na ngayon ang ABS-CBN 2.

Huling nagkatambal ang magkasintahan sa pelikulang “Last Song Syndrome” na naging kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.