Abante Tonite Interactive

Khan tatapusin ang career kontra Pacquiao

516

GUSTONG tapusin ni former world champion Amir Khan ang kanyang boxing career sa pakikipagbasagan ng mukha sa dating ka-kuwadrang si WBA welterweight titlist Manny Pacquiao o kaya laban sa kapwa Briton na si Kell Brook.

Ikinukunsidera na ng 33-anyos na boksingero ang pagsabit ng kanyang gloves.

Pinakahuling laban nito kontra Billy Dib sa Saudi Arabia noong nagdaang Hulyo kung saan ay nanalo siya matapos ang limang round.

“I have a couple of fights left in me – one or two at least,” sabi in Khan kay boxing promoter Eddie Hearn via Instagram kamakailan.

“The biggest fights motivate me. When you’ve made so much money and won world titles, what’s going to motivate you?

“A Manny Pacquiao fight is huge, wherever it was, then you have Kell Brook, another massive fight in the UK.” (Ferdz Delos Santos)

Tonite – Wendys Inhouse Ad