Abante Tonite Interactive

Khan vs Pacquiao sa Saudi: Charot lang

376

Wala pang pirmahang kontrata tungkol sa laban nina eight-division world professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at Amir Khan sa Saudi Arabia.

Giniit ito ng Team Pacquiao camp bilang pagkontra sa mga patutsada ng Briton na pumirma na ang Pambansang Kamao sa kontrata para sa upakan nila bago matapos ang taon.

Kadedemolis lang ni Khan kay Aussie Billy Dib sa Jeddah nitong July 13 para madale ang World Boxing Council International welterweight title.

Ayon sa British fighter, may kasunduan na sila ng fighting senator na magbangasan sa Riyadh sa darating na November 8 matalo o manalo kay American Keith Thurman, Jr. sa July 20 sa Estados Unidos.

“Manny has not signed any contract. As far as I know it has not even been discussed,” punto ng publicis ni Pacquiao na si Fred Sternberg sa panayam ng BBC nitong Martes.

Sinabi rin ni Sternberg na tanging kay WBA “super” welterweight titlist Thurman lang nakatuon ang pokus ng Pinoy ring icon.

“He has been in training camp for the past eight weeks, four in the Philippines and four in the United States, and he hasn’t met with Amir Khan during that time,” panapos ng publicist.

Dati na ring muntik magpang-abot noong 2017 sina Pacquiao at Khan. Pero ‘di natuloy. (Aivan Episcope)