Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kickback ng mga cong binisto

0 167

Binuking ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang malaking porsiyentong nakukuha ng mga kongresista sa bawat proyektong kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ang iginiit ni PACC Commissioner Greco Belgica kaugnay natanggap na report sa umano’y sabwatan ng mga kongresista at DPWH sa bawat pagpapatayo ng building o pagsasaayos ng kalsada.

Agaran diumanong kinukubra ng mga congressman ang nasa 10-15 % cut sa proyekto.

Nabatid pa na maging ang district engineer at contractor ng bawat proyekto, ayon sa report ay may parte. Gayunma’y alegasyon pa lamang ang nakalap na report ani Belgica at kailangang isailalim sa imbestigasyon.

“These are allegations, an open secret. But then until we have evidence to it, maybe that’s the time to talk about it,” paliwanag ni Belgica. “We’re investigating the entire DPWH,” dugtong pa nito.

Paliwanag ni Belgica, sa dami ng pumaparte, ang kalalabasan ay nasa 50% lamang ang mailalabas na pondo sa proyektong substandard at incomplete projects o kaya ay isang taon lang ang itatagal. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.