Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kidnap gang umatake sa Aseana, 2 todas

0 238

Patay ang dalawang sinasabing miyembro ng robbery/kidnap for ransom group matapos itong makipagpalitan ng putok sa pulisya, Huwebes ng hapon, sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) sa Calamba, Laguna.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing suspek.

Sa inisyal na ulat ng Laguna PNP, dinukot umano ng grupo ng mga suspek ang isang Chinese national sa Aseana sa Parañaque City bago mag-alas-2:00 ng hapon gamit ang isang puting Toyota Hi-Ace van na may plate number na WQT 786.

Agad nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng RID-ANCAR ng NCRPO at dakong alas-2:10 ng hapon ay namataan ng mga awtoridad ang nasabing sasakyan sa Silangan Exit ng SLEX kaya binuntutan nila ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Subalit pagsapit sa may bahagi ng Cabuyao Exit ay nahalata umano ng mga suspek na sinusundan sila ng awtoridad kaya nagsimula ang putukan.

Nagdulot ng pansamantalang pagtigil ng daloy ng trapiko sa SLEX ang insidente habang nakuhanan pa ng ilang motorista ang engkuwentro kung saan niratrat ng mga pulis ang van.

Kapwa dead on the spot ang dalawang suspek na hindi nakaalis sa kanilang pagkakaupo sa unahan ng van. Narekober naman mula sa sasakyan ng mga suspek ang ilang P20 at P1,000 bills, mga bala ng baril, at mga ID at tsapa ng mga pulis.

Ayon sa report, ang mga suspek ay sangkot sa serye ng robbery kung saan ang mga binibiktima ay mga POGO site at tinatayang nasa P200 milyon na umano ang nakulimbat ng mga ito.

Sa ngayon, inaalam pa kung nasaan ang dinukot umanong Tsino at ang mga kasamahan ng napatay na mga suspek. (Edwin Balasa/Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.