Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kidnapper ng Fil-Am kalaboso

0 123

Naaresto ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Unit (PNP-AKG) ang isa sa suspek na responsable sa pagdukot sa 64-anyos na Filipino-American na si Rex Triplitt matapos ang isinagawang operasyon sa Zamboanga City.

Kinilala ang naarestong suspek na si Anerson Tungayao, residente ng Brgy. Tapanayan, Sirawai, na nadakip habang bitbit ang M16 assault rifle, alas-5:30 Martes ng hapon sa kahabaan ng tabing dagat sa Brgy. Arena Blanco.

Nakatakas naman ang isa pang suspek na si Abu Sayyaf sub leader Injam Yadah. Ang nasabing grupo umano ay planong magsagawa ng panibagong kidnapping nang masabat ng pulisya.

Matatandaang dinukot si Triplitt ng grupo ng mga suspek noong Setyembre 16 at nailigtas ito sa isinagawang police at military operation noong Setyembre 30. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.