Abante Tonite Interactive

Kidnapping sa casino lumobo — PNP

340

Tumaas ang bilang ng insidente ng kidnapping na may kinalaman sa illegal loan shark business bunsod ng pagdagsa sa bansa ng mga turistang nagsusugal, partikular ang mga Chinese natio-nal, base sa ulat ng Phi-lippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG).

Ayon kay Police Lt. Col Elmer Cereno, tagapagsalita ng PNP-AKG, nakapagtala na sila ng 52 kaso ng Casino-rela-ted kidnapping incidents kung saan naaresto ang 119 na Chinese kidnappers sa loob lamang ng mahigit isang taon.

Marami aniya sa mga Chinese nationals na nagsusugal sa bansa ay dinadala ng mga junket operators mula sa mainland China.

Sila ay ineenganyong magbakasyon sa Pilipinas, at kapag nandito na ay dinadala sa mga casino para magsugal, at pinapautang pa ng puhunan pangsugal ang mga ito.

Kapag natalo sa su-gal, ang mga ito ay kinikidnap, ikinukulong sa isang hotel room, binubugbog, at tinatawagan ang kanilang pamilya sa China para magpadala ng pang-bayad utang sa pama-magitan ng wire-transfer bilang ransom.

Bilang pangontra dito, sinabi ni Cereno na inilunsad ni PNP-AKG Acting Director Police Col. JONNEL C. ESTOMO, ang mas mahigpit na koordinasyon sa kanilang foreign counterparts, Department of Justice (DOJ), National Capital Regional police office (NCRPO), Bureau of Immigration (BI), NAIA management at iba pang PNP territorial units.

Mag-oorganisa din ang AKG ng “summit on casino debt related kidnappings”, kasama ang iba’t ibang law enforcement agencies at Casino and hotel operators para mailatag ang Action plan kontra dito. (E­dwin Balasa)