Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kidnapping sa Laguna talamak, nawawala 15 na

0 50

Naalarma na ang mga residente ng ibat-ibang bayan sa Laguna dahil sa serye ng pagkawala ng hindi bababa sa 10 indibidwal doon.

Tinatayang umaabot na sa halos 15 katao ang napaulat na nawawala kung saan ilan ay hinihinalang dinukot ng hindi pa nakikilalang mga grupo.

Sa record ng Laguna provincial police office, nakilala ang isa sa mga ito na si Percival Janus Gabinete, binata, 32, anak ni Retired PNP Official PMaj. Percival Gabinete, taga-Bgy. Callios, na nawala noon pang August 25.

Huli itong nakita na sumakay sa itim niyang Yamaha motorcycle na may plakang #4951.

May inilaang P50 libong pabuya ang mga kaanak nito sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa insidente.

Sinundan naman ito ng pagkawala rin nina Larry Rebong, kaanak nitong si Annalyn Rebong alias “Canty” at isang Princess Garon pawang taga-Bgy. Pagalangan, Victoria na nawala noong September 10, habang patungo sa bayan ng Sta Cruz sakay na kanilang kotse itim na GHonda Civic, (ZMS 240).

Sa kasalukuyan, nananatiling blangko pa rin ang pulisya at pamilya ng mga biktima.

Sa report naman ng Calamba City police, nawawala din ang welder na si Michael M. Toledo, 39, na ayon sa kanyang misis ay huling nakita na sumakay sa kaniyang motorsiklo noong September 2.

Sa Binan City, napaulat sa pulisya na nawawala din ang estudyanteng si Juliet Capino y Abesamis, 22, na huling nakitang nagbibiseklita lamang sa kanilang lugar sa Town and Country, sa Barangay Sto. Tomas, Binan, City noong September 4. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.