Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kidney for sale niraket ng mga jobless

0 297

Desperado na sa hirap ng buhay ngayong krisis sa COVID-19 ang ilan sa ating mga kababayan kung kaya’t naisipan ng iba na ibenta na lamang ang kanilang kidney para magkapera.

Isang paraan upang magawa ito ay sa pamamagitan ng social media o online seller na hindi produkto kundi laman loob ng tao ang binebenta katulad nga ng kidney.

Halimbawa rito ang isang security guard na nakapanayam sa tv program ni Jessica Soho kung saan inamin nito na napaso ang kanyang lisensya at naghahanap ng bagong trabaho subalit biglang dineklara ang lockdown sa bansa.

Dahil walang trabaho, nabaon umano ito sa utang hanggang maisipang ibenta na lamang ang kanyang kidney para mabuhay ang pamilya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Lumalabas na sa pamamagitan ng online chat nagaganap ang mga transaksyon para sa presyohan ng binebentang kidney.

Sa pagsasaliksik naman ng TONITE, positibo nga na may ilang nagpopost sa Facebook at bumibili ng kidney.

“Do you want to sell your kidney? Are you seeking for an opportunity to sell your kidney for money due to financial break down and you don’t know what to do, then contact us today and we shall offer you sum of $160,000,00 U.S dollars,” ayon sa isang FB page na napag-alamang taga-India pa.

Mayroon namang tinatanong pa kung ano ang blood type at edad.

“Are you between the ages of 20- 60? Do you belong to the blood group of O+,A+ or B+? Do you want to put an end to your financial constraints? You are at the right place,” FB post ng isa pang bumibili ng kidney.

Leave A Reply

Your email address will not be published.