Abante Tonite Interactive

Kiefer bagong Gilas captain

425

Matapos masangkot sa kontrobersiya na humantong pa sa Fiba ban, naging malupit ang pagbabalik ni Kiefer Isaac Ravena na ngayon ay lider na ng bagong Gilas Pilipinas squad.

Nitong Linggo, inanunsyo na ang NLEX star na ang magiging team captain ng bagong bihis na Gilas, na balanseng kombinasyon ng mga beterano at amateur player.

Ayon kay Ravena, bagama’t siya na ang kapitan ay nagpapatulong pa rin siya sa kanyang mga kuya sa national team para pangunahan ang PH pool.

“Humingi ako ng tulong sa PBA guys, especially kay kuya Marc Pingris, na alalayan din (ako) kung anong nakikita niya, especially ngayon na hindi pa siya nakakasali sa practice, mas nakikita niya kung anong nangyayari sa team,” saad ni Kiefer nitong Lunes.

Aniya pa, hindi porke’t siya na ang team captain ay kaniya nang gagawin ang kahit anong gusto sa koponan.

Sinaad niya na ngayon ay ibang-iba na ang national pool, binubuo na ng maraming collegiate at amateur player tulad ng kanyang kapatid na si Thirdy Ravena, sina Kobe Paras, Dave Ildefonso, Javi at Juan Gomez de Liano, maging ang mga hiniram sa PBA na sina Isaac Go, Allyn Bulanadi, Rey Suerte at magkapatid na Mike at Matt Nieto.

Hindi aniya inaako ang lahat ng responsibilidad ng isang team captain
“Nakakapanibago lang kasi marami nang mas bata sayo, marami ng iyong future ng Philippine basketball nakikita mo na.” (Raymark Patriarca)