Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiefer bet si Belga

0 261

KAILANGAN ng NLEX Road Warriors ng big man na makakatulong nila sa pangarap na kampeonato.

Beau Belga to the rescue.

Tingin ni Kiefer Ravena, si Belga na ang missing piece para sa asam na unang korona sa PBA.

SM food to go Banner Ad

“I think we are really one big guy away that can really help us fight for it. I’m not saying na mananalo kami but could give us a high chance of being competitive,” sabi ng dating UAAP MVP mula sa Ateneo.

“Siyempre, si Tito Asi (Taulava) medyo fragile na, kahit papaano, sa dulo, you have to beat San Miguel, you have to beat June Mar (Fajardo), you have to beat Talk ‘N Text and all their players, Ginebra you have to beat Japeth [Aguilar] para manalo at para mag-champion. Hindi mo lang sila tatalunin ng isang laro eh. Kailangan series mo sila matalo,” sabi nito.

“Tingin ko kaya ni Beau ‘yan especially with the recent addition of Don Trollano for us and Calvin (Oftana), I think kaya namin ‘yun kasi mas lumalim kami. Feeling ko kaya naman namin. Literally, ang laking space na mapupuno ni Belga eh,” nangingiti na sabi ni Ravena. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.