Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiefer, Gilas Pilipinas diretso pagpapatikas

0 33

Ilang oras lamang matapos ihayag ng Gilas Pilipinas na tapos na ang kanilang bubble training camp, sinabi naman ng FIBA na tuloy ang dalawang laro nito sa ikatlong window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers sa Clark.

Naglabas ang FIBA ng isang memorandum Biyernes ng gabi na nagsasabing dalawang laro ay gaganapin pa rin sa Pilipinas, na ang Clark ang muling nagho-host ng mga laro para sa dalawang grupo.

Kaya naman inaasahang magbabalik sa ensayo ang bumubuo sa pambansang koponan na pinamumunuan ng team captain na si Kiefer Ravena, CJ Perez, Troy Rosario at ang bumubuo sa pinili sa special draft na Gilas Cadet.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi pa sinasabi kung aling mga pangkat ang darating sa Clark, ang Group A ay binubuo ng Pilipinas, Korea, Thailand at Indonesia, habang sa Group B ay China, Japan, Chinese Taipei , at Malaysia.

“”We are happy to state that in these difficult circumstances that we are experiencing, and just within the 18 hours after the forced cancellation of the Qatar bubble, four national federations already expressed their support to Fiba by proposing to host one or more groups in their country to play the cancelled games,” sai ni Hagop Khajirian, FIBA executive director for Asia.

“Fixing the dates of the ‘window to be created’ under this unexpected and unordinary situation will still need about 10 days to be finalized. However, we have already decided to have these games in the Philippines, where the SBP will host two groups, and in Lebanon, where LBF will host the third group.” (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.