Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiefer idinepensa si Thirdy

0 329

‘YAN ANG KUYA!

Tuwang-tuwa si Kiefer Ravena sa nangyari sa basketball career ng nakababatang kapatid na si Thirdy.

Kamakalawa lang inihayag ng Japan B League na si Thirdy ang magiging Asian import ng San-en NeoPhoenix sa papasok na fifth o 2020-21 season na magbubukas sa Disyembre.

“Masaya, kasi first Filipino and at the same time, na-prove niya ‘yung mga nagsasabi na umiiwas lang siya sa PBA Draft wrong,” ani Kiefer kahapon.

Tapos na ang tour of duty ni Thirdy sa Ateneo pagkatapos ng nakaraang UAAP Season 82 men’s basketball 2019-20, pero hindi nagpa-draft sa PBA noong December.

May mga nang-iintrigang ayaw niyang mapunta sa Columbian (Terra Firma ngayon) na top pick noong nakaraang taon. May mga humihirit pang hinihintay niyang mataas ang pagpili sa draft ng tatlong MVP teams – TNT, NLEX at Meralco – bago magpa-draft. May nagsabi pang gusto niyang makasama si Kiefer sa Road Warriors.

“May plano naman talaga siya maglaro sa ibang bansa,” dagdag na depensa ni Kiefer.

Maging si Kiefer hindi rin agad dumiretsong nagpa-draft sa PBA pagkatapos niya sa Blue Eagles. Sumubok muna siya sa NBA D-League, naglaro din sa Mighty Sports, Alab at Chooks-to-Go bago nagpa-draft sa PBA noong 2017.

“Sana maganda talaga i-perform niya para magtagal siya du’n sa Japan,” panapos na wika ni Kiefer. “And ma-fulfill niya ‘yung dream niya na maglaro internationally.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.