Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiefer inalalayan Shiga Lakestar

0 58

HINAMBALOS ni Kiefer Ravena at ng Shiga Lakestar ang koponan ni Javi Gomez De Liano na Ibaraki Robots, 93-88, Sabado sa 2021 Japan B. League sa Ukaruchan Arena.

Tumapos si Kiefer ng 13 puntos kasama pa ang 4 assists, 3 rebounds at 2 steals upang tulungan ang Lakestar sa panalo.

Related Posts

Naging clutch rin ang kanyang jumper sa 2:04 ng 4th canto upang kunin ang momentum at palakihin ang kalamangan sa 83-80.

Bitbit ng Shiga ang 2-1 kartada habang ang Robots ay wala pa ring panalo sa loob ng 3 laro. Hindi naman present si former UP Fighting Maroons star Javi sa nasabing laro dahil kasalukuyan pa rin itong nasa quarantine. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.