Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiefer, Lakestars humaba pasakit

0 113

HUMABA sa limang dikit ang kabiguan ng Shiga Lakestars nang makalasap ng panibagong talo, pinakahuli kontra Shinshu Brave Warrios, 62-89, nitong Sabado sa 2021-2022 Japan B.League sa White Ring Arena.

Mainit na sinimulan ng Shinshu ang laban, nagpakawala ng 18-8 spurt sa kaagahan ng bakbakan at dumiretso para sikwatin ang ikawalong panalo kontra limang talo.

Nagkasya lang sa apat na marka ang Pinoy baller at former NLEX Road Warriors guard sa Philippine Basketball Association (PBA) na si Kiefer Ravena kasama ang tatlong assists sa 21-minutong paglalaro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Laglag sa 6-7 panalo-talo baraha ang Lakestars na pinangunahan ni Ovie Soko na kumalawit ng game-high 23 points kasahog ang 4 rebounds at 3 blocks.

Nanguna naman sa Shinshu si Reo Maeda na bumandera ng 16 points, habang umalalay rin sa produksiyon si Tatsuya Nishiyama na naglista ng 14 markers, 5 assists at 4 rebounds. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.