Abante Tonite Interactive

Kiefer nag-reporter sa Gilas-Congo game

251

Hindi man nakalaro ang 25-an-yos na Ateneo pride na si Kiefer Ravena sa Torneo de Malaga laban sa Congo ay nagmistulang supporting reporter siya matapos magbigay ng live feed sa kanyang Twitter account.

Sabi ni Kiefer (@kieferravena), “I’ll be updating about the #Gilas vs. Congo game tonight! Pray for us.”

Ginanap Sabado ng madaling-araw sa Pilipinas ang pakikipagbakbakan ng Gilas Pilipinas kontra RD Congo ngunit hindi kabilang rito si Kiefer at shooting guard ng Rain or shine na si Gabe Norwood.

Natalo ang Gilas 71-82. (Aivan U. E­piscope)