Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiefer nagpramis babalik sa NLEX

0 74

NANGAKO si Kiefer Ravena na magbabalik ito sa PBA matapos ang isang season na paglalaro sa Shiga Lakestars pagkatapos makuha ang permiso nito sa liga na makapaglaro sa Japan B.League.

Natapos ang usapin sa kontrata ni Ravena sa PBA sa pagkakaroon ng kasunduan Sabado kung saan kinumpirma ng mother team nito na NLEX Road Warriors na nagkausap ang lahat ng kampo at ang liga na tuluyan itong payagan na makapaglaro sa Japan.

Humingi mismo ng paumahin si Ravena kung saan sinabi nito na nagkamali siya a pagpirma sa Lakestars bago siniguro ang official clearance mula sa PBA.

SM food to go Banner Ad

“As everyone knows, and as widely reported, I had an existing three-year UPC contract under employment which I had signed with the NLEX Road Warriors last September 2020. I understand the UPC is viewed as a tripartite agreement by and with the PBA, and that my signing with Shiga could have caused legal repercussions,” sabi nito.

“This caused undue controversy and bad vibes with the PBA, which I know is only looking out for the best interest of Philippine basketball, and for us, PBA players,” dagdag pa ni Ravena. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.