Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiefer sumakit ulo kina Castro, Tenorio

0 285

ILAN sa mga pinakamatitinding nakaharap ni NLEX guard Kiefer Ravena sa hardcourt ang nagbigay sa kanya ng sakit ng ulo, pero nagpatatag din sa kanya bilang isang PBA player.

Kabilang dito sina LA Tenorio ng Barangay Ginebra, Jayson Castro ng TNT KaTropa at sina Chris Ross at Alex Cabagnot ng San Miguel Beermen.

“All the great guards in the PBA from LA, Jayson, Chris Ross, Cabagnot, those guys that I really look forward to,’ kuwento ni Kiefer sa The Link Podcast ni veteran sportswriter Rey Joble Lunes ng gabi kasama ang kanyang tatay na si dating PBA star at ngayon ay TNT coach Bong Ravena at utol na si three-time UAAP Finals Most Valuable Player (MVP) Thirdy.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Balik na sa ensayo ang mga PBA squad kabilang ang NLEX Road Warriors ni Kiefer.

“With God’s grace negative naman lahat ng team members and staff included doon sa kakatapos lang naming na swab test,” paliwanag ni Ravena.

“Hopefully ‘yung small groups naming sa ensayo can do wonders sa amin, slowly but surely getting us back on track and hopefully maka-salvage ng isang conference this year for the PBA.” (Ferdz Delos Santos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.