Abante Tonite Interactive

Kiefer sumaludo sa mga frontliner

397

Dalawang linggo matapos ipatupads ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon, hindi naman nakalimutan ni Philippine Basketball Association star Kiefer Isaac Ravena na pasalamatan ang frontliners sa kanilang patuloy na pagsabak kontra coronavirus disease.

Sa kanyang Instagram post, taospuso ang pagpapasalamat ng NLEX Road Wariors point guard sa mga frontliner na kinabibilangan ng mga health worker, soldier at police na nagsasakripisyo para mapangalagaan ang lahat sa COVID-19.

“Saludo. Hindi mapapantayan ang sakripisyo na ginagawa ninyo sa pakikipaglaban sa Covid-19. Kasama ng ating mga doktor, nars at lahat ng hospital workers, kayong nga frontliners ang tunay na mga bayani.” caption ng 26-year-old, six-foot cager.

Panalangin rin ni Ravena ang katapusan ng krisis dulot ng virus at kaligtasan ng lahat kontra sa nasabing sakit. (Janiel Abby Toralba)

Tonite – Wendys Inhouse Ad