Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiefer swak na sa Shiga Lakestar

0 87

Wala nang iisipin na mga kompromiso sa iniwang liga at makakasabak na bilang Shiga Lakestar si Kiefer Ravena.

Ito ay matapos makuha ni Ravena ang kailangan na “letter of clearance” mula sa Samahang Basketbol ng Pilipinas para makapaglaro sa B.League matapos itong payagan ng kinabibilangan na koponan na NLEX.

Kinumpirma din ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial Sabado ang kaganapan.

“Nag-okay na yung NLEX kaya okay na rin sa PBA Board,” sabi ni Marcial kung saan mawawalan ng bias ang usapin sa pagitan ni Ravena at ang ipinapatupad ng liga na Uniform Players Contract (UPC).

Maatandaan na noong Hulyo ay nakuha ni Ravena ang pagpayag ng PBA na makapaglaro sa B.League kahit na mayroon pa itong isang taon na aktibong kontrata sa Road Warriors.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang Road Warriors, na napatawan ng hindi inihayag na multa, ay kailangan na bitiwan si Ravena sa kanyang aktibo na kontrata upang makalaro ito sa Shiga.

Gayunman, sakaling magbalik ito sa liga sa sunod na taon ay hawak pa rin ng NLEX ang karapatan nito para kay Ravena.

Ang dating Ateneo Eagles na napili bilang second overall pick noong 2017 draft, ay hindi na din papayagan na pumasok sa bagong kontrata sa Shiga kapag natapos ang season.

Nahaharap si Ravena sa posibleng ban kung hindi nito tutuparin ang mga kasunduan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.