Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiefer, Thirdy bet pasiklaban sa PBA

0 42

Umaasa ang magkapatid na Kiefer at Ferdinand “Thirdy” Ravena na kanilang mararamdaman din ang kakaiba na tunggalian bilang manlalaro pati na rin ang inaasam ng mga kababayan nito na mapanood na magkaribal o kahit na magkasamang naglalaro sa koponan sa Philippine Basketball Association (PBA).

Kapwa naglalaro sa magkaibang koponan ang magkapatid sa Japan B.League subalit sang-ayon ang dalawa na nananatiling pangarap sa kanila ang magkaharap, magkasukatan ng husay at magkatapataan ng abilidad sa darating na panahon sa pinakamatagal na propesyonal na liga sa Asya.

“I see myself playing in the [PBA], but we don’t know when,” sabi lamang ni Thirdy. “We’re fulfilling our careers as basketball players and I feel like I have to play in the Philippines as well and see the amazing crowd in the pros. So yeah, for sure. But when, we don’t know,” sabi nito sa isang panayam.

“For us right now, it’s just really taking care of ourselves and staying healthy so we can make sure that that happens in the future,” tugon naman ni Kiefer.

May pagkakataon na si Thirdy sa sumama sa PBA Rookie Draft dalawang taon na ang nakaraan bago sumang-ayon na maglaro para sa San-En NeoPhoenix noong 2020 upang maging unang Pilipino na pumirma sa kontrata bilang isang import sa ilalim ng Asian Players Quota sa propesyonal na liga sa Japan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

PInayagan naman maglaro si Kiefer matapos na makakuha ng pansamantalang release sa NLEX Road Warriors nakaraang taon matapos itong pumirma ng kontrata para sa Shiga Lakestars.

“I also feel like coming from the Philippines when I was a kid, I always dreamed about playing in the PBA as well as part of my career,” sab ni Thirdy.

“For us brothers, to be able to play in the league where where our dad also played, it’s also part of our dreams as well, whether on the same team or playing against each other like what we’re doing now here in Japan,” ayon naman kay Kiefer.

“It’s nice to tell that story in the future for our kids and to our families, that we all played together in one league with our dad [Bong] and that’s gonna be an awesome sight to see and an awesome story to be told.” (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.