Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiefer, Thirdy enjoy sa pasiklaban

0 60

Naging magkalaban man ang magkapatid na Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III at Kiefer Isaac Ravena nitong nakaraang Sabado at Linggo sa 6th Japan B.League 2021-22 elims, hindi itinatatwa ng dalawa na natuwa pa rin sila sa kanilang naging salpukan.

Ibinahagi nang nakababatang si Thirdy sa social media account niya Lunes, na nag-enjoy siya sa bakbakan nila ng kanyang kuya Kiefer.

“Fun weekend,” caption ng 24-anyos na si Thirdy sa litrato nilang magkapatid na naglalaban sa court.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Maski s Kiefer nagtanaw-balik sa kanilang pagpapang-abot sa Japanese league.

“It takes us back to our younger days when we were playing in the backyard of our home court before, playing with no shoes on and just enjoying basketball,”ani Kiefer.

Nakauna si Kiefer at Shiga Lakestars Sabado, 93-88, pero rumesbak si Thirdy at San-En NeoPhoenix sa rematch Linggo, 101-96. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.