Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiefer, Thirdy girian sa Japan

0 119

Namimiligrong magkabanggaan agad ang mag-utol na Ravena na sina Kiefer Isaac at Ferdinand III o ‘Thirdy’ sa parating na 6th Japan B. League 2021-22 na nakatakdang magbukas sa Oktubre.

Ibinuyangyang Martes ng pro league ang iskedyul kung saan magtatagisan ang koponan ng nakababatang si Thirdy na San-En NeoPhoenix at ang kampo ng nakatatanda niyang kuyang si Kiefer na Shiga Lakestar sa magkasunod na araw sa Okt. 2-3.

Sasambulat ang bakbakan sa Lakestar homecourt sa Ukaruchan Arena sa Otsu City, Shiga Prefecture. Naka-lineup si Kiefer sa Nippon squad kahit may live contract pa sa NLEX at sa Philippine Basketball Association.

SM food to go Banner Ad

Pero nakahanda ang Shiga sa contract buyout ng basketbolista sa kabila na wala pang dumarating na abiso kay PBA Commissioner Willie Marcial.

Ang liga na lang ang hinihintay ni Kiefer para makapag-Land of the Rising Sun dahil lumambot na ang Road Warriors para sa kabutihan ng player at ng national team sa hinahanarap kung makakapag-JBL siya.

Pangalawang taon naman na ni Thirdy sa Japanese league pagkaraang magka-COVId-19 bukod pa sa pagka-injury sa tuhod at sa daliri ng kamay sa una niyang season. Naka-18 games lang siya at nag-averages ng 9.1 points, 3.6 rebounds at 1.6 assists. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.