Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiefer tinalbugan si Thirdy, San-En

0 91

PASIKLAB agad sa unang laro si former NLEX Road Warriors star Kiefer Ravena nang manalo ito sa unang salang niya sa Japan B.League.

Tinalo kasi ni former Ateneo Blue Eagles star Kiefer ang koponan ng kanyang batang utol na si Thirdy na San-En NeoPhoenix, 93-88.

Tumapos ang nakakatandang Ravena ng 11 points, 8 assists, 3 rebounds at 3 steals upang ibigay sa kanyang koponan na Shiga Lakestar ang unang panalo sa torneo.

Related Posts

Samantala, si Thirdy naman ay umararo rin sa San-En sa kinubrang 11 markers, 6 boards at 2 steals.

Pagkatapos ng laro ay binati ni Kiefer ang mga Japanese at Pinoy fans.

Magtutuos muli ang magkapatid ngayong 1:35 ng hapon. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.