Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KiefLy bonding sa volleyball

0 309

Hindi man lubusang nakakapaglaro sa kani-kanilang disciplines dahil sa pandemiya, nagparaya muna si Philippine Basketball Association (PBA) star Kiefer Isaac Ravena kay Premier Volleyball League (PVL) star Alyssa Valdez sa pagba-bonding ng magdiyowa sa volleyball.

Kagaya ng iba, dumiskarte ang “The Phenoms” o KiefLy upang makapaglaro at makapag-ensayo.

Gamit ang isang kahon na gawa sa plywood, nag-dig-receive-spike drill ang dalawang atleta sa isang garahe ng tahanang Ravena kung saan mukhang mahigit apat na buwan nang tumutuloy ang 27-anyos na Batanggenyang balibolista.

Sa Instagram story kahapon ng former national player at reigning Creamline Cool Smashers outside hitter, hataw at nag-enjoy naman ang dalawa sa kanilang volleyball set-up.

Maaring Setyembre pa pareho ang balik-game ng 45th pro cage league at opening ng fourth semi-pro women’s volley. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.