Abante Tonite Interactive

Kikiam ng Phisgoc-Cayetano, chicken sausage pala

0 246

Tinanggi ng management ng Whitewoods Convention and Leisure Hotel na kikiam ang kanilang hinahain sa mga atleta ng 30th Southeast Asian Games 2019.

Ayon sa sulat ni ­Whitewoods president Edgardo M. ­Capulong kay Philippine Sports Commission chairman William Ramirez, ‘di aniya kikiam ang kanilang hinanda sa mga atleta kundi chicken sausage.

“We have proof of this and the Phisgoc food audit team in the hotel that are on top of the food inspection during, before and after cooking and during meal time, can attest to the fact that it was not ‘kikiam,” ayon kay Capulong.

Kasunod ito ng pahayag ni Philippine women’s football coach Marnelo Dimzon na kikiam lang ang pinakain sa kanyang mga atleta.

“The other Pinoy athletes also know thay they ate chicken sausage. We never serve kikiam because we do not have it and it is not in our menu,” saad pa ng Whitewood president. (RMP)