Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kikinang pa ang Warriors – Silver

0 147

Naniniwala si commissioner Adam Silver na may natitira pa sa tangke ng Golden State Warriors.

Kapag walang iniinda sina Steph Curry at Klay Thompson, dagdag ang kondisyon ding laro ni Draymond Green ay magiging mabangis pa rin ang Warriors.

Buong season na nawala si Thompson habang nagpapagaling mula knee operation na nakuha noong 2019 NBA Finals.

November 2019 nang mabalian ng braso si Curry, March na nakabalik at nangungulelat na ang Golden States.

SM food to go Banner Ad

NBA-worst ang 15-50 record ng Warriors, hindi nakasama sa 22 teams na pumasok sa Orlando bubble para sa restart noong July.

Ang dating dominanteng team sa nakalipas na limang seasons bumagsak sa lottery at nakuha ang No. 2 pick sa 2020 Draft.

Via San Francisco Chronicle:

“I’m very confident that they’ll return to contention quickly … I have no reason to believe they won’t be back as a top-tier team,” ani Silver sa Golden State. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.