Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiko dawit sa usong hiwalayan

0 80

NI: ARCHIE LIAO

May bahid katotohanan nga ang hula ng isang psychic na ang 2021 ay panahon ng hiwalayan sa showbiz.

At dahil ang ghost month ay magtatapos pa sa Setyembre 6, usong-uso pa rin ang ‘ghosting’.

Hindi pa natatapos ang taon, nag-break up sina Aljur at Kylie, Jennica at Alwyn, Paolo at LJ.

Pero wait, may humahabol pa sa listahan, dahil malakas ang bulung-bulungan na hiwalay na rin umano sina Kiko Estrada at Heaven Peralejo.

Tulad ng hiwalayan ng ibang showbiz couples, culprit ang social media dahil dito unang nagkakaroon ng ideya ang katkaterang netizens sa estado ng kanilang love affairs.

Bakit kamo? Ginawa na ring ghosting tool ang social media accounts tulad ng Facebook, Instagram at Twitter.

Ika nga, may kasabihang “action speaks louder than words.”

Iyong pag-unfollow daw ni Kiko sa Instagram account niya kay Heaven at pag-delete ng photos nito sa kanyang feed ay katumbas umano ng pag-sing niya ng “She’s out of my life.”

Parang Paolo Contis lang na in-unfollow si LJ at binura ang pics nila together.

Sa kaso naman ni LJ, hindi pa niya binura agad ang photos ng ex sa kanyang IG account not until after na lumabas ang interview niya kay Boy Abunda.

In case of Heaven, nananatili pa rin siyang naka-follow sa IG ni Kiko.

Pero hindi raw magtataka ang kibitzers kung next time siya naman ang magsasalita tungkol sa real score ng kanilang relasyon ni Kiko.

May mga nang-uurot tuloy kung nakikiuso ba ang actor?

Matatandaang nito lang Agosto 30 ay nag-celebrate pa ng third monthsary sina Kiko at Heaven.

Naging usap-usapan din ang kanilang public display of affection sa kanilang IG post.

Leave A Reply

Your email address will not be published.