Abante Tonite Interactive

Kiko dedma sa paeklay ni Sharon kina Robin, Gabby, Richard

852

Muling ipinapares si Megastar Sharon Cuneta sa mga past relationship niya kaya naman mega din ang pag-throwback niya.

Mula sa mga throwback niya sa relationship nila ni Gabby Concepcion, Robin Padilla hanggang kay Richard Gomez na ngayon ay makakatambal niya sa upco­ming movie nila.

Ikinuwento kasi muli ni Shawii ang mga sweet ­moments nila ng kanyang mga ex sa pamamagitan ng throwback pictures and videos na pino-post niya sa Instagram.

Siyempre, todo naman ang kilig ng mga faney ni Shawie at ng paborito nilang kapareha ng aktres.

Samantala, may iba namang netizen na nag-aalala kung ano ang magiging reaksiyon ng kanyang asawang si Kiko Pangilinan.

Mas madalas kasing mag-post si Shawie ng past niya kaysa picture nila ng asawa.

Komento ng isang netizen, “How would ur husband feels about these? Just saying shaweee. i mean all ur post was about ur exes.”

“He understands it is for the movie. Plain and simple,” pagtugon ni Megastar.

Hindi nga naman kailangang magselos si Senator Kiko sa mga ex dahil may sarili siyang pa­milya.