Abante Tonite Interactive

Kiko-Sharon nagtitinda ng gulay

0 777

Para na rin kaming nag-tour sa loob ng farm ng pamilya Pangilinan nang panoorin namin ang tatlong videos sa YouTube channel ni Ms. Sharon Cuneta.

Nasa Sweet Spring Country Farm nila sa Alfonso, Cavite si Ms. Shawie at ang mister niyang si Senator Kiko Pangilinan nang itsismis sila ni Pangulong Rodrigo Duterte, na kesyo pinapalayas na raw ni Sharon ang asawa sa bahay nila.

Maliwanag na imbento ang tsikang ‘yon ni PDuts at saksi mismo ang mag-sweetheart na Zsa Zsa Padilla at Conrad Onglao, na kasama ng mag-asawa at itinu-tour sa farm nila nu’ng araw na ‘yon.

Sinundan lang sila ng kamera habang nag-iikot sila sa farm, na first time napuntahan ng Megastar ‘yung bandang ibaba at kung hindi pa dahil kay Zsa Zsa ay hindi niya mabibisita.

Usually kasi ay nandu’n lang sa farm house nila sa itaas si Shawie at tamad itong bumaba kung saan nandu’n ang sari-saring tanim ng kanyang farmer husband.

Ang dami naming napulot na farming tips dahil habang naglalakad sila ay ang daming sinasabi ni Sen. Kiko kina Zsa Zsa at Conrad, na magsisimula na rin ng sarili nilang farm.

Ilang ektarya na ‘yung kina Mega, pero mas malaki pa raw doon ‘yung nabiling farm nina Zsa Zsa.

Ang bongga nu’ng organic farming ni Kiko kung saan hina-harvest ang binebenta nilang all-natural, chemical-free lettuce and traditional vegetables.

Meron din silang babuyan, na ang sabi ni Shawie ay walang amoy ang mga baboy dahil organic ang kinakain ng mga ito, na niluluto pa raw ‘yung mga gulay bago ipakain sa native pigs.

Kita mong ang saya-saya ni Kiko sa kanyang green paradise, na pinagkukunan din nila ng mga fresh na gulay na makakain. Si Shawie ay relaks na relaks ‘pag nandu’n.

Ang dalagita nilang si Miel ay nag-join din sa tour habang ang bagets na si Miguel ay naka-helmet pa at may sariling activities sa farm.

Nagpasalamat si Zsa Zsa dahil ang dami raw nilang natutunan ni Conrad kay Sen. Kiko. Excited daw sila pareho na mag-farming.

Open pala ang Sweet Spring County Farm nina Shawie para sa mga gustong pumasyal at bumili ng mga gulay at halaman doon.

Sen. Pangilinan dedma kay Digong

Bilib kami sa panganay nina Sharon at Kiko na si Frankie Pangilinan dahil hindi lang ito brainy kundi gutsy rin at palaban.

Walang takot na sinagot ni Frankie ‘yung claim ni PDuts na pinapalayas daw ni Sharon si Kiko sa bahay, na may hirit pa ang Presidente na kung nagsisinungaling daw siya ay he will resign.

“OMG, when he resigns, you’re welcome,” ang tweet ng matapang na si Frankie, na natural lang na idepensa ang mga magulang niya lalo na kung wala namang katotohanan ang isyu.

Obviously ay nagsisinungaling si PDuts, pero siyempre ay hindi naman ito magre-resign. ‘Yun naman lagi ang bukambibig nito, na alam naman ng lahat na eklay lang.

Nasa New York at doon nag-aaral si Frankie, kaya nakakaaliw ‘yung pangungulit niya sa younger sister niyang si Miel na kunan ng picture ang parents nila dahil kailangan niya raw ito for the ‘revolution’. Ha! Ha!

Nag-pose nga for a pic ang happy couple na sina Sharon at Kiko, na ang caption ni Kakie nang i-tweet nito ay, “Protect them at all costs”.

Bet na bet namin ang pagiging independent-minded ng 19-anyos na si Frankie.

Siya ‘yung tipo na kahit haling na haling sa K-pop si Miel, na naimpluwensiyahan na ang madir nilang si Shawie, si Frankie ay deadma lang sa Korean idols.

Nang mainterbyu ni Tito Boy Abunda sa “TWBA” ay sinabi ni Frankie na hindi kasi sang-ayon sa industriya ng pop idols sa Korea na nalaman daw niyang overworked at hindi properly compensated ang mga artist, tapos ay sumasailalim pa sa surgery ang mga ito just to look a certain way.

Wala ring kebs si Frankie na magpakita ng katawan ‘pag nasa beach dahil komportable raw siya with her body.

Tweet ni Sharon about Frankie, “‘Di ko hawak ang mga utak ng mga anak ko, and after all, we’ve raised them all and have always encouraged them to express themselves and stand up for what they believe to be right, I will continue to let her be.

“She knows she will always have my love and support. She is again after all, her Mama’s daughter.”

Dagdag pang tweet ni Mega for her favorite daughter, “Don’t worry about the little things. You know the truth and that’s what matters. And that I love you more than life itself! Counting the days till your Christmas break.”

Si Sen. Kiko ay nag-tweet lang ng happy pic nilang mag-asawa at may caption na, “Relaks lang kasama ni Sharon matapos ng buong araw sa bukid kasama nina Miguel, Zsa Zsa at Conrad.”

Ganu’n kasimple, hindi na nagpasaring pa o pumatol sa tsismis.

PAK!!!