Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kiko ‘sinuka’ love triangle kina Joshua-Jane

0 196

Usap-usapan ngayon ang tsikang naliitan daw sa kanyang role sa Darna si Kiko Estrada kaya hindi na sumipot sa lock-in taping ng nasabing seryeng pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz with Mama Loi ay napag-usapan nga nila ang isyung ito. Ayon sa talent manager cum vlogger, ang nakarating daw sa kanyang balita, ang role ni Kiko sa Darna ay ka-love triangle ni Joshua Garcia kay Jane.

“Ha? Naliitan pa siya do’n?” sabi ni Mama Loi.

Sabi naman ni Ogie, “oo. Kaya nga nangarag sila (production). Nangarag sila kaya bigla-bigla na lamang silang humanap ng kapalit at ang nahanap nilang kapalit ay si Paolo Gumabao.”

Ayon pa kay Ogie, kung tutuusin ay wala namang maliit na role katulad nga rin ng laging sinasabi ng yumaong Eddie Garcia.

“Kaya lang siyempre, si Kiko, parang gusto yata, parang off-beat o ibang klase,” sey ni Ogie.

SM food to go Banner Ad

Ang tsika pa ay ora-orada raw nagdesisyon si Kiko na ayaw na niyang gawin ang serye kahit nasimulan na nito ang proyekto at nakapag-tape na ng first cycle.

“Pero hindi naman natin alam kung ano ‘yung dahilan naman ni Kiko,” he said.

Sabi naman ni Mama Loi, naguguluhan siya kung bakit naliitan pa sa role si Kiko gayung ka-love triangle nito ang dalawang bida na inayunan naman ni Ogie.

“Biruin mo, no, Joshua Garcia, Jane de Leon tapos Kiko Estrada. Di ba ang laki no’n?” sey pa ni Ogie.

Dagdag pa niya, “kung anuman ang rason ni Kiko, sana ay hindi niya pinagsisisihan pero ‘yung biglaang pagre-resign, kung totoo man ito ha, na sana eh hindi, pero kung totoo man, eh parang hindi yata maganda ‘yun. Dapat ahead of time (magsabi or magpaalam).”

Leave A Reply

Your email address will not be published.