Abante Tonite Interactive

Kilabot na holdaper na namayagpag ng 6 taon, huli ng Mpd

By
209

Lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa­ hanggang sa matuklasan­ ni Villareal na sangkot pala sa isang malalaking sindikato na may kagagawan ng mga panghoholdap sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan ang kinaiingitang kaibigan,
Hanggang sa kalaunan ay nalaman din ni Villareal na isa si Adelan sa miyembro ng kilabot na ‘Alvin Flores Gang’ na may mga kinakaharap na kasong pang-hoholdap at pagpatay. Bagama’t nabigla rin ng bahagya sa natuklasang lihim ng kaibigan, sa halip na iwasan ay lalo pang naging malapit si Villareal sa kanyang pakikitungo kay Adelan.

Isa pa sa mga kaibigan ni Adelan na nakilala sa pangalang Sean Bada alyas ‘Tisoy’ ang ipinakilala niya kay Villareal na sa dakong huli’y natuklasan niyang sangkot din pala sa ilang serye­ ng panghoholdap.

Habang tumatagal at lumalalim ang kanilang samahan, napagtanto na ni Villareal ang pagnanais ni Adelan na bumuo ng sarili niyang maliit na grupo upang hindi na umasa pa sa pagiging miyembro lang ni Alvin Flores at tumanggap lang ng bahagi ng kanilang nakukulimbat.

Nang tanggapin ni Villareal ang alok ni Adelan na bumuo sila ng grupo na tatapat sa malalaking trabaho ng panghoholdap ng dating­ kinaaanibang grupo, hindi nagdalawang isip ang kagawad lalo na’t nasasaksihan niya ang marangyang pamumuhay at pagiging galante ng bagong kaibigan.

Nagplano ang grupo na magsagawa ng panghoholdap sa lungsod ng Pasay kung saan kabisado ni Villareal ang mga pasiko-sikot at humanap sila ng target na bukod sa madaling biktimahin ay malaki pa ang kanilang makukulimbat.

Noong Marso 8 2013, tatlong turistang Pranses ang nag-aabang ng taxi sa harapan ng Heritage Hotel sa Roxas Boulevard na maghahatid sa kanila sa Victory Liner patungong Baguio City nang lapitan sila ng dalawang lalaking armado ng baril at nag-anunsiyo ng holdap.

Isa sa tatlong dayuhan na nakilalang si Pierre Paul Franz Hofman 68, ang pumalag at tumangging ibigay ang kanyang bag na naglalaman ng 700 euro o katumbas ng mahigit P40,000 sa pera ng Pilipinas.

Dahil sa pagtanggi ni Hofman na ibigay sa holdaper ang dalang bag, binaril siya ng mga suspek na naging sanhi ng agaran niyang pagkamatay.

Matapos ang pamamaslang, hinablot ng mga suspek ang bag ng dayuhan at mabilis na sumakay­ sa isang motorsiklo na minamaneho ng isa pa nilang kasamahan.

Nang makalayo na ng mahigit dalawang bloke, bumaba ang dalawang salarin sa sinasakyang motorsiklo at lumipat sa isang puting kotseng Toyota Corolla na may plakang PPV-904 bago tuluyan ng nakatakas.

Kaagad na nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Pasay city police subalit bigo silang makilala at mahuli ang mga holdaper