Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Kilabot ng masahista’ tinurbo 20 bebot

0 676

Himas rehas ang sinasabing serial rapist ng mga masahista makaraang maaaresto ng mga operatiba sa bus terminal sa Pasay City, matapo muling mambiktima sa isang apartelle sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Marianito Sta Maria, alyas ‘Robertson Bautista’ at ‘Jayson Mallari’, 27-anyos. Kwento ng biktima, nangyari ang panggagahasa noong November 30 sa isang apartelle.

Nagkakilala umano sila ng suspek sa social media at nang malaman na nagmamasahe siya ay nagpapaserbisyo ng ventosa therapy sa nasabing apartelle. Aniya, pagdating sa lugar ay hiningan muna niya ng kabayaran si Sta. Maria subalit sinabi nito na nasa kotse ang kaniyang pera at ginamit pa ng kaniyang pinsan.

SM food to go Banner Ad

Nagtiwala naman ang biktima pero nang muling hingan ng bayad na P2,000 ay nagalit ang suspek at tinutukan siya ng patalim. Inutusan ni Sta. Maria ang masahista na ibigay sa kaniya ang pera at cellphone nito, at pagkatapos ay saka pinaghubad ang biktima at pinagsamantalahan.

Nang makalabas ng apartelle ang masahista ay nagreklamo ito sa pulisya na nagsagawa ng manhunt operation. Naaresto ang suspek sa harap ng bus terminal sa Malibay Huwebes ng madaling-araw.

Sa himpilan ng pulisya ay lumutang pa ang mahigit sa 20 mga masahista na naging biktima at positibong kinilala si Sta. Maria na humoldap at nang-rape sa kanila gaya ng ginawa nito sa huling biktima. Modus umano nito na makipagkaibigan sa bibiktimahin gamit ang Facebook. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.