Abante Tonite Interactive

Kilalang aktor, generous pero kakaiba ang baltik

By
7

KAHIT may kakaibang baltik itong si kilalang aktor, love pa rin siya ng production staff dahil very generous siya.

Kagaya nitong katatapos lang na drama series, malaking halaga ang ibinigay ni aktor para sa pa-last day ng staff.

Kaya kahit medyo mainitin ang ulo nito, nakalimutan na nila iyun dahil masaya ang lahat na staff nang maghiwa-hiwalay sila.

Minsan kasi, nagkaroon ng panununtok ng dingding nang pinakiusapan si aktor na ma-extend sandali sa taping at hindi masunod ang napagkasunduang cut-off.

Nu’ng hinold ito sa set, tahimik lang si aktor, pero maya-maya, ­biglang may narinig silang malaking kalabog sa CR.

Iyun pala, nasuntok na ni aktor ang dingding nito.

Natakot ang mga staff, kaya pinakiusapan si direk na i-pack up na lang si aktor dahil mainit na ang ulo.

Ipinaglalaban kasi ni aktor ang napagkasunduang cut-off na dapat masunod.

Iyun pala, naghihintay na sa van ni aktor ang girlfriend na sumundo sa kanya.

Kaya hindi niya napagbigyang mag-extend ng taping.

Pero okay na sa kanila ‘yun.

Love pa rin nila si aktor dahil masaya naman sila noong last taping nila.