Abante Tonite Interactive

Kilalanin ang nagpanumpa kay Arroyo bilang Speaker

By
8,128

Marami ang nagtanong kung sino ang nagpanumpa kay da­ting Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Speaker ng Kamara bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging tradisyon na sa Kamara at Senado na ang nahalal na Speaker at Senate President ay panunumpain ng pina­kabatang miyembro ng kapulungan.

Sa kabuuang 292 miyembro ng Kamara, si Ang Kabuha­yan ­Party-list Rep. Dennis Laogan ang pinakabatang miyembro ng 17th Congress sa edad na 27-anyos.

Abante Hiring – IT dep

Produkto siya ng Xavier School at nakapagtapos naman ng Bachelor of Science in Communication Technology sa Ateneo de Manila University.

Noong 2015, itinatag niya ang Ang Kabuhayan Party-list, isang orga­nisasyon na siyang nagpopondo at nagsasanay sa mga small-scale businesses upang maging self-sufficient at self-sustaining.

Nakakuha ng 348,533 boto ang nasabing party list organization noong 2016 elections, sapat upang makakuha ng isang upuan sa Kamara