Abante Tonite Interactive

Kilatisin mabuti ang mga sports camp

222

Ngayon at malapit na ang Semana Santa, kung saan libo-libo sa ating kababayan ay magtutungo sa iba’t ibang mga bakasyunan, katulad ng Boracay, Palawan at Baguio or kaya mag-swimming sa mga hot spring na resort sa Laguna, marami rin maiiwan dito sa siyudad kasi gusto nila ng tahimik na Maynila, wala masyadong traffic.

Maaari rin ang mga anak nila ay may mga summer class na kailangan nila kumpletuhin para makapasa sa eskuwela. O kaya, ipapasok sila ng kanilang mga magulang upang makapag-attend ng mga clinic or workshop, katulad ng basketball o volleyball clinikc or swimming classes, o kaya dance and art workshops. Ang mga bata ay ine-enroll ng mga magulang upang magkaroon sila ng ginagawa ngayong bakasyon.

Ako rin ay nagpapatakbo ng basketball clinics sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas, at ang kadalasan, ang itinatanong sa akin ng mga magulang ay kung papaano nila pahihintuhin ang mga anak nila sa paglalaro sa computer.

Buong araw at magdamag ang mga bata sa computer at ito’y ikinababahala ng mga magulang. Natatakot sila na baka masira ang mga mata ng mga anak nila, o baka kung ano’ng site ang mapuntahan ng mga anak nila, o baka makakilala sila ng mga loko sa Facebook at iba pang website. Kaya marami ang sumasali sa mga sports camp at clinic.

Papano sumali sa isang sports camp?

Una, kung ang hilig n’yo ay mag-basketball, ang gagawin ninyo ay mag-research sa internet kung saan ang venue ng mga sports camp na malapit sa bahay ninyo. Karamihan kasi ng mga eskuwelahan ng basketball ay iisa ang branch nila, maaaring malayo sa inyong tahanan.

Tawagan ninyo ang kampo na ‘di naman gaanong kalayuan sa inyo. Kung walang malapit, magtiyatiyaga kayo magpunta sa clinic na gusto ninyo kahit malayo.

Mga ibang sports camp naman, meron silang clinic sa ibang lugar. Kung meron na kayong idea kung saan kayo sasali, pag-aralan n’yo ang mga website nila at FB pages para malaman ninyo kung may sinasabi ang mga nagpatakbo ng clinic o walang binatbat.

Ikumpara din ninyo ang babayaran na registration fee kung tama lang ba o masyado mataas. Marami rin kasi kaming naririnig na gusto lang kumita ng coach o player nang mabilisan kaya kung ano-ano na lang ang itinuturo sa clinic.
Tingnan ninyo ang mga module na gagamitin. Pag-aralan din ninyo ang mga ibinibigay na libreng gamit ng mga sports camp. ‘Yung iba, t-shirt lang, mga iba naman kumpleto kasama jersey, bola, sports bag at kung ano-ano pa, saka magdesisyon.