Abante Tonite Interactive

Kilig post ni Erwan para kay Anne pineke

By

Si Solenn ang salarin

3,815

NAALIW kami sa Instagram post ni Erwan Heusaff na picture ni Anne Curtis.

Kinilig kami noong una naming nabasa ang caption niya sa kanyang misis na, “I love her so much it hurts my soul.”

Sabi namin, grabe si Erwan, damang-dama naman ang matin­ding pagmamahal sa misis­ niya. ‘Yun pala, ang kapa­tid niya na si Solenn Heusaff ang nag-post ng picture ni Anne at pati caption niya.

Pinakialaman daw ni Solenn ang cellphone at Instagram niya. Kilig pa rin dahil hindi naman ito dinilete o binago ni Erwan, instead, dinagdag lang niya sa caption niya na, “my account was hacked by @solenn but I’ll keep this picture and caption because @annecurtissmith is cute.”

Honeymoon stage pa rin ang dalawa.

Joross hindi takot ma-typecast sa bading roles

TOTOONG gustong limi­tahin muna ni Joross Gamboa noon ang pagtanggap sana ng mga gay roles. Pero paano nga ba niya tatanggihan ang mga proyekto tulad ng katatapos na Deadma Walking at ngayon, ang Star Cinema, Idea First at Quantum Film movie na Ang Dalawang Mrs. Reyes.

Kaya para kay Joross, hindi na isyu yung sinasabing mata-typecast siya.

Sey nga niya, “Kung tutuusin naman, ‘yung mga leading man nga, hindi nga nag-iisip na ‘ay, baka ma-typecast akong leading man,’ or ‘yung leading lady na ‘baka ma-typecast ako.’”

Para raw sa kanya, blessing ang mga oportunidad na ito na dumarating lalo na nga itong Ang Dalawang Mrs. Reyes kung saan ay parehong mga de-kalibreng aktres ang kasama niya.

Kahit nakakatawa, ‘di kami naniniwalang posibleng matuluyan siyang maging bading in real-life tulad ng biro niya.

Sey kasi niya, malapit na nga raw siyang matuluyang maging bading dahil sa dalas ng pagganap niya rito.
“Pero buti na lang, ginagalingan ng asawa ko pag-uwi ko, Ha ha ha!”

Masayang-masaya raw siya na maging part ng pelikulang ito na ang leading lady nga niya ay si Juday.

“Sa totoo lang, nang nalaman kong si Juday ang makakapareha ko rito, pangarap ko lang talaga, sasampalin lang niya ako tapos exit frame na ako, okay na ako do’n.

“And syempre, nala­man kong kasama ko rito si Angge (Angelica), na napakagaling na artista, matagal ko nang friend at ang aking ka-basketball na si JC (de Vera), at syempre, lalo na nun’g nalaman kong si Direk Jun Lana ang direktor, lana, tapos na ‘to,” he said.

Mapapanood ang Ang Dalawang Mrs. Reyes sa January 17.