Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kilig-Saya at Libreng LRT-1 ticket pass hatid ng TNT sa July 19

0 91

Tiyak na maraming daily commuters ng LRT-1 ang kikiligin at matutuwa: Sa Lunes July 19, mamamahagi ng one-way, ticket pass mula Baclaran Station hanggang Balintawak ang TNT na siyang pinakamalaking prepaid brand sa bansa.

Magsisimula ito simula 8AM kung saan libre para sa unang limang daang pasahero per station ang kanilang sakay sa LRT-1.

Binansagang “Kilig-Saya Express” ang LRT-1 ay makulay na binihisan para ilunsad ang bagong kampanya ng TNT kasama ang mga sikat na TNT ambassadors na sina Sue Ramirez, Popstar Royalty Sarah Geronimo at mga Thai idols na sina Nonkul Chanon (Bad Genius), Gulf Kanawut (TharnType: The Series) at ang Asian superstar na si Mario Maurer (Love of Siam, Crazy Little Thing Called Love, Pee Mak).

Kasama sa mga istasyon ang Baclaran, EDSA, Libertad, Gil Puyat, Vito Cruz, Quirino, Pedro Gil, UN Avenue, Central, Carriedo, Doroteo Jose, Bambang, Tayuman, Blumentritt, Abad Santos, R. Papa, 5th Avenue at Balintawak. Hanapin lamang ang TNT booth na matatagpuan sa lahat ng nasabing istasyon.

“Nais ng TNT na magbigay ng simpleng kasiyahan at pagpapahalaga sa aming mga subscribers. Ang TNT Libreng Sakay promo sa LRT-1 na tinawag naming ‘Kilig-Saya Express’ ay aming handog sa mga TNT ka-tropa na patuloy na tumatangkilik sa aming mga produkto at serbisyo,” ani ni Miriam Z. Choa, FVP and Head of Prepaid Marketing sa Smart Communications Inc.

Ang tinaguriang “train event of the year” ay hatid ng bagong TNT promo ang Double GIGA Video. I-download lang ang GigaLife App sa AppStore or GooglePlay para maka-enjoy ng 14GB data na maaaring gamitin para mapanood ang inyong mga paboritong videos sa YouTube, Cignal Play, iWant at NBA. May kasama pa itong bonus na 2GB open access for 7 days. Kaya’t parang isang linggong saya ang hatid sa inyo ng TNT!

Para naman sa mga libreng ticket holders sa July 19 na magpo-post ng kanilang libreng ticket hashtag #TNTKiligSaya sa Facebook, Twitter at Instagram: Makakatanggap kayo ng additional na 50% discount sa Double GIGA Video 99. Ipakita lamang ang inyong post sa TNT booth para makuha ang promo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.